ZERO DENGUE CASE SA GUAYABAL, NAPANATILI

 

CAUAYAN CITY- Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng Brgy. Guayabal dahil nananatiling dengue free ang kanilang lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Daisy Maribbay, Punong Barangay ng Guayabal, ikinagalak nito na magpasa hanggang ngayon ay walang naitatalang kaso ng dengue sa kanyang nasasakupan kung saan mas lalo niyang pinaiigting ang pagpapanatili ng kalinisan sa lugar.

Aniya, isa sa nakikita nyang paraan upang hindi magkaroon ng dengue sa lugar ay ang paglilinis ng mga bakuran katulad na lamang ng pagtapon sa mga naimbak na tubig na maaaring pamugaran ng lamok.


Dagdag pa niya, mas epektibo umano ito kaysa sa pag-spray ng gamot dahil sa pamamagitan nito ay mababa ang tyansa ng pagdami ng mga lamok.

Samantala, nagpapaalala naman si Punong Barangay Daisy Maribbay sa mga residente ng Guayabal na laging linisin ang kanilang kapaligiran upang makaiwas sa anumang sakit katulad ng dengue.

Facebook Comments