ZERO DENGUE CASES, NAPAPANATILI SA BRGY. NAGANACAN

Cauayan City – Ikinagagalak ng pamunuan ng Brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela ang hindi pagkakaroon ng kaso ng Dengue sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginang Rachel Lorenzo, Barangay Nutrition Scholar sa nabanggit na barangay, malaking tulong sa hindi pagkakaroon ng kaso ng Dengue ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Aniya, bukod sa regular na paglilinis kamakailan lamang ay nagsagawa rin sila ng fogging kontra lamok sa kanilang lugar partikular na sa paaralan at sa mga kabahayan.


Bukod pa rito, wala rin umanong mga maruruming drainage canals sa kanilang lugar na maaaring pamugaran ng lamok na posibleng may dalang Dengue.

Gayunpaman, hindi sila nagiging kampante kaya’t patuloy ang ginagawa nilang pagpapaalala sa mga residente sa kanilang lugar na palaging linisin ang kanilang paligid lalo na ang mga lugar at mga bagay na may mga naiipong tubig.

Facebook Comments