Nagpapatuloy pa sa lungsod ng Dagupan ang isinasagawang anti-dengue misting operation ng lokal na pamahalaan ng Dagupan upang mapuksa ang posibleng mga bahaging pamugaran ng lamok na nagdudulot ng sakit n dengue.
Naumpisahan ang nasabing misting operation sa ilang mga eskwelahan sa lungsod upang matiyak din ang kaligtasan ng mga batang Dagupeno lalo na magbabalik-eskwela na ang mga ito sa darating na Agosto 29, araw ng Martes.
Umpisa na rin ito sa mga bara-barangay, lalong lalo na sa mga pinaka-apektadong lugar ng nagdaang pagbaha maging sa mga pampublikong pamilihan ng lungsod dahil dagsa rito ang maraming mga tao.
Matatandaan na isa ang sakit na dengue sa naging alalahanin ng ilang mga residente dahil tiyak ang mga stagnant waters na maaaring pagmulan ng nasabing sakit.
Samantala, target naman ng LGU Dagupan ang Zero Dengue o ang hindi makapagtala ng kaso nito sa Dagupan City sa pakikipag-ugnayan nito sa ilang mga kumpanya na nauna na ring nakapagbigay ng mga multi-insect sprays, maging ang City Health Office. |ifmnews
Facebook Comments