Hinikayat ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan, maging ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na maabot ang target na ‘Zero-Firecracker’ injuries ngayong Holiday Season.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, bagamat nagdidiwang ang lahat, dapat pa ring tiyaking na mahigpit na naipapatupad ang batas gaya na lamang ang pagbabawal sa paggamit ng ilegal na paputok.
Sa datos ng PNP, nasa 307 ang naitalang Firecracker-Related Incidents nitong salubong sa 2019, mababa ito ng 67% kumpara sa higit 900 insidente noong 2016.
Matatandaang naglabas ng kautusan ang DILG na nag-aatas sa mga LGU, BFP, at PNP na magsagawa ng mga kaukulang hakbang para sa regulasyon at pagkontrol sa paggamit ng paputok.