ZERO HUNGER, ISINUSULONG NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAGUPAN

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang programang Zero Hunger sa ilalim ng United Nations Sustainable Development Goals na may layong wakasan ang pagkagutom at suliraning malnutrisyon sa taong 2030.
Dadalhin ang nasabing programa sa lahat ng tatlumpu’t-isang barangay sa Dagupan City na pinapangunahan ng alkalde ng lungsod katuwang ang City Health Office, City Nutrition Office, Barangay Council maging mga youth volunteers.
Sa kasalukuyan ay umpisa na ang pag-arangkada nito para sa mga bata at pamilya sa mga komunidad ng Dagupan City partikular nauna na itong isinasagawa sa Brgy. Carael kung saan nakapagmahagi ang LGU ng pagkain at powdered milk.

Nagpahayag din ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Guico III at nagbigay ng 50 boxes of chicken products para sa paglulunsad ng nasabing programa.
Magpapatuloy pa ang paglulunsad nito sa mga barangay sa Dagupan at inaasahan ang makakamit hindi lamang pagsugpo sa problemang kagutuman at malnutrisyon gayundin ang pagmaintain sa food sustainability ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments