Zero hunger, kayang makamit bago matapos ang termino ni PRRD

Kasunod ito ng nalalapit na pagkakabuo ng isang balangkas o framework ng Food Security at Poverty Alleviation Program ng administrasyong Duterte.

Kasalukuyan ngayong dumadaan sa paghimay ng Partnership Against Hunger and Poverty ang draft framework para matiyak na iisang diwa ang pagkilos ng mga ahensya para sa isang collaborative efforts sa pagpapataas ng produksyon sa pagkain at matuldukan ang malnutrisyon sa bansa.

Kabilang sa mga partner agencies ay ang Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG).


Ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Emily, sa ngayon mula sa 5 million hectares na agricultural land, 1.2 million hectares dito ay gagawing kolektibo o isasa-subdivide bilang collective Certificates of Land Ownership Award o CLOA.

Sa ilalim nito, mas mabibigyang kapangyarihan ang mga farmer-beneficiary na maging kabahagi sa rural development lalo na sa kanayunan.

Hangarin ng gobyerno na magaya ang nakamit ng bansang Brazil na naging matagumpay sa paghahatid ng agricultural extension services sa mga magsasaka na idinugtong nila sa  isang Nutritional at National Feeding Program.

Facebook Comments