Zero incident at zero casualty sa ASEAN Summit, target ng PNP

Manila, Philippines – Target ng mga otoridad ang zero incident at zero casualty sa inaantabayanang ASEAN Summit ngayong Linggo.

Ito’y sa kabila ng banta ng terorismo sa Central Visayas.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – sakaling may hindi magandang maganap sa ASEAN Summit, libu-libong pulis sa bansa ang kakalbuhin.


Dagdag pa ni Dela Rosa – maging alerto sa pagbabantay.

Sinabi naman ni Interior Acting Secretary Catalino Cuy – mahigit 41,000 sundalo, pulis at bumbero ang ipakakalat sa mga lugar na pagdarausan ng summit.

Dagdag pa ni Cuy – bagamat wala silang natatanggap na banta ay nakahanda sila sa anumang posibleng mangyari.

Inaasahang mahigit dalawang libong delagado ang dadating sa bansa para sa naturang event.

DZXL558

Facebook Comments