Ipinagmalaki ng Bureau of Jail Management and Penology ang walang naitalang anumang insedente ng karahasan sa lahat ng bilangguan sa bansa habang ginugunita ang Semana Santa.
Ayon kay BJMP Officer-in-Charge Jail Chief Superintendent Allan Iral, dahil sa kooperasyon at pakikiisa ng mga opisyal at jail personnel sa pagbabantay sa mga pasilidad, nakamit ang zero incident sa mga bilangguan.
Kasama ang kanyang mga regional directors, nagsagawa ng simultaneous inspection si Iral sa mga jail facilities sa ilang rehiyon mula nang itaas ang full alert status bago pa man ang paggunita ng Semana Santa.
Pinuri din ni Iral ang mga jail non-officers na nasa frontline services lalo na ang mga itinalaga bilang gate personnel at nangasiwa sa pagdagsa ng mga bisita ng bilangguan.
Abot sa 476 District, City at Municipal Jails sa buong bansa ang nasa ilalim ng pangangasiwa ng BJMP.