Zero incident sa SEA Games, target ng PNP

Target ng Philippine National Police (PNP) ang zero incident sa pagdaraos sa 30th Southeast Asian Games.

Sa datos, aabot sa 1,701 athletes at delegates ang nasa bansa.

Ayon kay PNP spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac – wala pa silang nakikitang banta sa seguridad.


Mayroon silang multi-agency coordination center, kung saan iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at security cluster ang nagmo-monitor sa sitwasyon ng SEA Games.

Dito rin inaasahang gagawin ang mga mahahalagang desisyon pagdating sa usapin ng seguridad.

Sinabi naman ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya – mas makakabuti kung hindi hahaluan ng pulitika ang naturang sports event.

Hinikayat ng DILG ang publiko na suportahan ang ating mga atleta.

Facebook Comments