‘Zero killing’ sa anti-illegal drug campaign, suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang nais ni Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs co-chair, Vice President Leni Robredo ang ‘zero killing’ sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay PNP spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac – wala sa kanilang polisiya na may mamamatay sa war on drugs.

Aniya, gagamit lamang sila ng pwersa kapag tumangging magpaaresto o manlaban ang mga drug suspect.


Una nang sinabi ng PNP na nasa 6,800 suspected drug pushers at users ang namatay sa ilalim ng drug war.

Facebook Comments