Zero loss record ni Keith Thurman, dinungisan ni Manny Pacquiao

2977

Ipinakain ni pambansang kamao Manny Pacquiao ang mga pagyayabang at pang-aasar sa kanya ni American boxer Keith Thurman.

 

Ito ay makaraang talunin ni Pacquiao si Thurman via split decision sa kanilang bakbakan sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada kanina.


 

Sa unang round pa lang ng laban, napabagsak na ni Pacman si Thurman.

 

Pero ilang malalakas na suntok din ang tinamo ng pinoy boxer mula kay Thurman partikular sa 6th hanggang 9th round.

 

Pero sa huli, naagaw ni Pacquiao ang titulo ng American boxer bilang WBA Welterweight Super Champion.

 

Ito ang unang talo ni Thurman sa loob ng labindalawang taon niyang karera sa boxing.

Facebook Comments

From Advertisers