
Naniniwala si dating Chief Presidential Counsel Atty. Salvador Panelo na isang mahinahin at kalmadong pagpapahayag ng kilos-protesta ang plano ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na magsagawa ng Zero Remittance Week.
Sa meet the Manila Press forum, maituturing din itong sakripisyo bilang pagtutol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court o ICC.
Pagsalungat din daw ito sa ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.
Una nang sinabi ni Senator Imee Marcos na planado at labag sa Saligang Batas ang hakbang ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan na isuko si Duterte.
Hindi aniya kapani-paniwala ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Jonvic Remulla na base lamang sa tsismis ang planong pag-aresto noon sa dating presidente.
Indikasyon din umano ito na may isang masusing plano na nakalatag bago pa man ang petsa na nakalagay sa ICC arrest warrant.