Zero subsidy sa PhilHealth, maaaring kwestyunin sa Korte Suprema ayon sa isang senador

Hindi malabong makwestyon sa Korte Suprema ang ginawang zero subsidy ng Kongreso sa PhilHealth.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, ang epekto ng zero subsidy ay hindi naipatutupad ang SIN Tax Law.

Sa ilalim ng SIN Tax Law, may automatic appropriations mula sa SIN tax na dapat ilaan sa PhilHealth subalit sa ilalim ng inaprubahang bicam committee report, nawala ito.


Nagbabanggaan sa ginawa aniyang ito ang mga batas na nakapaloob sa Universal Health Care Law at ang Sin Tax Law.

Isa sa mga solusyon na nakita ni Pimentel bukod sa pagpapatawag ng bicam ay may kapangyarihan ang Pangulo na mag-realign ng budget para mapunta sa mga proyekto ng mga ahensya ng gobyerno na nangangailangan ng alokasyon.

Magkagayunman, maaari lamang itong gawin oras na may savings na at iyan ay mangyayari lamang sa katapusan pa ng taon.

Facebook Comments