Zero subsidy sa PhilHealth, paglabag sa Sin Tax Law ayon sa isang senador

Naniniwala si Senator Pia Cayetano na salungat sa Sin Tax Law ang ginawa ng Kongreso na tanggalan ng government subsidy ang Philippine Health Insurance Inc. (PhilHealth).

Tinututulan ng senadora ang naging hakbang ng Senado at Kamara na tuluyang alisin ang ₱74 billion na government subsidy sa PhilHealth sa susunod na taon.

Ayon kay Cayetano, ang desisyon ng Kongreso ay lumalabag sa Section 288-A ng National Internal Revenue Code.


Sa ilalim kasi ng probisyong ito, 80 percent ng revenue mula sa buwis sa mga produktong tabako at sugar-sweetened beverages ay dapat ilaan sa PhilHealth upang pondohan ang Universal Health Care Act.

Kung walang maibibigay na subsidiya ang pamahalaan sa PhilHealth mula rito ay malaking banta ito sa pagpapatuloy ng benepisyo ng PhilHealth para sa mga indirect contributors nito.

Iginiit pa ni Senator Pia na parehong mahalaga ang isyu ng sobra-sobrang pondo ng PhilHealth subalit ito ay hiwalay na problemang dapat solusyunan.

Facebook Comments