Zero tolerance kontra cybercrime, patuloy na pinaiiral ng pamahalaan

Iniulat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na napapansin na ng international community ang mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas laban sa cybercrimes.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, tuloy-tuloy aniya ang pagpapairal ng zero tolerance ng pamahalaan laban sa mga krimen online.

Ayon kay Ramos, may proof of concept sila tungkol dito tulad ng kung paano matunton ang international terrorist sa loob lamang ng limang araw.


Ito ay alinsunod din sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag nang patagalin ang pagtugis sa isang cybercriminal.

Sa kabila nito, sabi ni Ramos, ay limitado pa rin ang teknolohiya ng Pilipinas at ginamitan na lamang ng skill sets.

Facebook Comments