Seryosong ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang “zero-tolerance” policy laban sa mga mapang-abusong pulis.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, walang puwang sa kanilang hanay ang mga ganitong klaseng pulis at iginiit ang dapat na pagsunod ng mga ito sa code of conduct ng PNP.
Batay sa ulat ng Internal Affairs Service mula July 2022 hanggang July 2024, umaabot na sa mahigit 6,000 mga pulis ang nabigyan na ng rekomendasyon sa iba’t-ibang mga parusa.
Sa naturang bilang, 2,550 ang nahaharap sa administrative penalties kung saan 572 ang inirekomendang sibakin sa serbisyo.
Binigyan-diin ni Marbil na sa pamamagitan ng internal disciplinary mechanism ng PNP, tiniyak nito ang mabilis at mahigpit na mga hakbang upang maparusahan at kasuhan ang mga pulis na masasangkot sa maling gawain.
Hinikayat din ni Marbil ang publiko na iulat ang iligal na aktibdad na kasasangkutan ng isang pulis upang agad itong maaksyunan.