Zero vendor policy, ipapatupad ng Manila City gov’t sa paligid ng Quirino Grandstand sa Pista ng Poong Nazareno

Manila, Philippines – Siniguro ng Manila City Government na nasa maayos na ang lahat ng mga gawain para sa Pista ng Itim ng Nazareno.

Sa interview ng RMN Manila kay City Administrator Atty. Jojo Alcovendaz, nakatutok sila sa lahat ng kakailanganin sa nasabing okasyon kung saan hangad nila na maging maayos ang lahat.

Bukod sa preparasyon, magpapatupad din ang Manila City Government ng polisiya para sa mga pasaway na vendor sa lugar na pagdadausan ng pista upang maging maluwag at hindi maging makalat pagkatapos ng Traslacion.


Nabatid kasi na ayaw nang maulit ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang nangyaring pagkalat ng basura noong nakaraang taon kung saan umaabot ng mahigit sa 95 trucks ng basura ang kanilang nahakot.

Sa huli, sinabi pa ni Alcovendaz na maging ang mga problema sa dadaanan ng ruta ng andas ay kanila na din nagawan ng paraan tulad ng mga bukas na manhole, lubak na kalsada at mga nakalaylay na kawad ng kuryente.

Facebook Comments