‘Zero veto’ sa mga Legislative Measures, tiniyak ng Kamara ngayong 18th Congress  

President Rodrigo Roa Duterte is joined by Senate President Vicente Sotto III and House Speaker Alan Peter Cayetano during the joint session of the 18th Congress and before delivering his Fourth State of the Nation Address on July 22, 2019. SIMEON CELI JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Tiniyak ng Kamara na walang mave-veto na panukala ngayong 18th Congress.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, magkakaroon ng close coordination at communication sa Malacañan at iba pang ahensya, maging sa Senado upang masigurong walang panukala ang mave-veto.

Upang magtagumpay ito, magkakaroon ng regular meetings ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


Target din ng Kamara na maaprubahan ang 2020 National Budget bago mag-adjourn ang sesyon ng kongreso para sa month-long break ngayong Oktubre.

Matatandaang inaprubahan na ng pangulo ang 4.1 Trillion Pesos National Budget para sa susunod na taon.

Inaasahang maipapadala ang National Expenditure Program sa Kongreso sa pagitan ng agosot 16 at 20.

Facebook Comments