Zipperlane sa Commonwealth, dinagdagan pa ng MMDA at Quezon City Government

Nagdagdag pa ng zipper lane ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Quezon City Government sa Commonwealth.

Ito ay para maibsan ang matinding daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour dulot ng construction ng MRT-7 sa Tandang Sora at Don Antonio Stations.

Base sa abiso ng Quezon City Government ngayong araw, Agosto 30, magsisimulang ipatulad ang pagbubukas ng bagong entrance at exit ng zipper lane sa Commonwealth.


Dahil dyan, maaaring gamitin ang zipper lane mula sa St. Peter U-turn Slot Entrance. Maaari na rin lumabas ng Zipperlane ang mga patungo ng QMC (Elliptical Road) sa UP TechnoHub Zipper Lane Exit.

Bukas ang zipperlane alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.

Para sa mga nalilito, pag-aralan ang ruta na nakapost sa Facebook page ng Quezon City Government at DZXL 558 Radyo Trabaho.

Meron din mga MMDA na gagabay sa kalsada para sa mga motorista sa oras na pagbubukas ng mga entrance at exit ng zipperlane.

Facebook Comments