ZONING STRATEGY MALAKING TULONG SA PAGBABA NG KASO SA COVID-19 SA REGION 1

Malaki umano ang naitulong ng zoning strategy na isinagawa ng DOH at LGU sa bawat bayan at siyudad sa rehiyon na may kumpirmadong kaso.

Dito ay ni la-lock down ang isang sitio o barangay na may confirmed cases upang mapigilan ang mabilisang pagkalat ng COVID-19 virus kung kaya pababa na ng pababa ang active cases ayon kay Rheuel Bobis ang Medical Officer 4 ng DOH Region 1.

Samantala, isa ding nakatulong sa pagbaba ng kaso ay ang pagdami ng bakuna at pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan.


Sa kasalukuyan, higit dalawang milyon na ang nabakunahan sa buong rehiyon uno.###

Facebook Comments