Zookeeper patay nang atakihin ng tigre sa harap ng mga bisita, katrabaho

Unsplash

Sawi ang isang 55-anyos na babaeng zookeeper sa Zurich, Switzerland matapos atakihin ng Siberian tiger sa loob ng kulungan.

Ipinagbigay-alam ng mga nakasaksing panauhin sa mga epleyado ng zoo ang nangyari bandang 1 p.m. (1100 GMT) noong Sabado.

Nagawang mailayo ng isang staff ang tigreng si Irina at mailabas sa kulungan, ngunit hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima.


“Sadly all help came too late. The woman died at the scene,” pahayag ng tagapagsalita ng Zurich police sa AP news.

Iniimbestigahan na kung bakit nasa loob ng kulungan ang zookeper habang naroroon din ang tigre.

Noong nakaraang taon lang nang dalhin sa Zurich ang Siberian tiger na si Irina na ipinanganak sa Denmark taong 2015.

Ayon naman sa director ng zoo na si Severin Dressen, matagal na rin nilang empleyado ang nasawing keeper.

“Our full sympathy is with the relatives of the victim,” saad ni Dressen.

Sumasailalim naman sa psychological counseling ang mga bisita at staff na nakasaksi ng pag-atake.

Mananatiling sarado ang zoo kasunod ng insidente.

Facebook Comments