Todo ensayo na ang aktor na si Zoren Legaspi para sa kaniyang kauna-unahang international cycling event.
Kabilang kasi ito sa deligado ng Pilipinas para sa Pru Ride London 2019, ang World’s Biggest Cycling Festival na dinadaluhan ng mahigit 100,000 kalahok taon-taon na magaganap sa Linggo.
Say ni Zoren, excited na ito lalo na at simula pa noong buwan ng Hunyo ay puspusan na siya sa pagte-training.
Nabatid na binibisekleta ng aktor mula sa kanilang bahay sa Pasig hanggang Sierra Madre at pabalik bilang training.
Inaasahang aabot sa 100 miles ang iba-bike ng mga kalahok sa London.
Facebook Comments