Masiglang sinalubong sa Bauang, La Union ang 2026 sa pamamagitan ng isang zumba activity noong Enero 2 bilang bahagi ng unang aktibidad ngayong taon.
Nagtipon ang mga kalahok mula sa iba’t ibang zumba groups para sa sabayang ehersisyo na naglayong hikayatin ang mas aktibong pamumuhay at kalusugan.
Pinangunahan ng mga local instructors ang aktibidad, na nagbigay pagkakataon sa mga residente na magsaya at magsama-sama bilang komunidad.
Ayon sa ilang kalahok, mahalaga ang ganitong simula ng taon para sa katawan, mental wellness, at pagkakaisa ng mga mamamayan.
Ang simpleng galaw at sabayang ehersisyo ay patunay na maaari itong maging daan sa mas masigla at positibong pagpasok ng 2026.
Facebook Comments










