ZUMBASURA, UMAARANGKADA SA BAYAN NG BOLINAO

Ipinapakita ng mga residente ng bayan ng Bolinao ang kanilang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng dance for a cause na Zumbasura 2025.

Ito ay isang proyekto ng Bolinao Tourism Office sa selebrasyon ng National Tourism Month sa bansa katuwang ang Philippine Civil Service sa selebrasyon naman ng kanilang 15th anniversary.

Sa bawat hataw sa pagsayaw sa Zumba ay ang pangako rin sa kalikasan ng kanilang pagkalinga.

Dahil pagkatapos ng Zumba session ng mga residente ay nagsasagawa sila ng coastal clean up drive sa mga beaches sa bayan – na sikat na puntahan ng mga turista lalo na tuwing summer.

Una nila itong isinagawa sa brgy. Patar noong nakaraang September 4, samantalang katatapos lamang nitong September 7 sa Brgy. Balingasay na hindi lamang coastal clean up drive ang isinagawa kundi nagkaroon din sila ng tree planting. Samantalang nakatakda naman sa September 19 ang Zumbasura sa brgy. Guiguiwanen.

Ang mga ganitong proyekto ay pagpapakita lamang ng mga residente sa kanilang suporta sa natural na yamang kalikasan ng kanilang bayan na siya ring bumubuhay sa turismo at kabuhayan ng kanilang mga kabaleyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments