Friday, January 30, 2026

ZUMBASURERO PROGRAM, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG ALAMINOS

Dumagsa ang mga residente ng Alaminos City sa isinagawang Zumbasurero.

Kasabay ng pag-indak ng mga kabilang sa programa ay ang barangay clean-up drive na layuning isulong ang kalinisan at kalusugan sa komunidad.

Pinangunahan ito ng Alaminos City Environment and Natural Resources Office (ENRO), katuwang ang Barangay Polo, gayundin ang mga barangay ng San Jose at San Antonio.

Nagkaroon din ng mga parangal para sa mga kalahok tulad ng Early Bird, Heaviest Trash Collected, Most Trash Collected, Most Number of Barangay Delegates, at Zumba King and Queen bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok.

Samantala, tuloy-tuloy ang kalinisan day program ng lungsod na layuning panatilihin ang kagandahan at ligtas na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments