₱1.34 Milyong halaga ng marijuana, binunot at sinunog ng PNP sa Benguet

Pinagbubunot at sinunog ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 6,700 fully grown marijuana plants at 3,200 marijuana seedlings sa magkahiwalay na lugar sa Benguet.

Sa ulat na ipinarating ni PNP Cordillera Regional Director Police Brigadier General R’Win Pagkalinawan kay PNP Chief General Debold Sinas aabot sa ₱1,340,000.00.

Nadiskubre ng mga pulis ang fully grown marijuana plant at marijuana seedlings partikular sa 700 square meter marijuana farm sa Sito Bulisay Kayapa Bakun Benguet at sa isang farm sa Sitio Wasan, Kayapa, Bakun, Benguet.


Maging sa tri-boundary ng Sitio Balbalnag, Sitio Tebteb and Sitio Yong-awan of Barangay Badeo, Kibungan, Benguet.

Sa ngayon, walang tigil ang operasyon ng PNP Cordillera laban sa mga taniman ng marijuana sa rehiyon.

Facebook Comments