₱1-B, pwedeng kitain ng bansa kung hindi ibababa ang buwis sa imported pork products

Aabot sa ₱14 billion ang maaaring kitain ng bansa mula sa pagpataw ng 40% tariff rate sa imported pork products.

Ito ang sinabi ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa gitna na rin ng balak na pagbaba sa taripa ng ini-import na karneng baboy.

Inirekomenda ng kongresista na maaaring payagan ang mas maraming imports ng karneng baboy pero susundin pa rin ang kasalukuyang tariff rates na ipinapataw.


Binigyang diin nito na lalo lamang mahihirapan at malulugmok ang mga magsasaka at hog raisers sa bansa sakaling ituloy ang pagbaba sa taripa ng mga imported pork products.

Ayon kay Salceda, wala ring malaking epekto sa pagbaba ng presyo ng karneng baboy sa merkado na aabot lang sa 0.50 sentimo kung ibababa ang buwis ng mga imported na karneng baboy.

Sa mungkahi ni Salceda, panatilihin pa rin ang kasalukuyang tariff rates sa ini-import na karneng baboy at gamitin ang kita rito bilang ayuda sa swine industry na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Facebook Comments