Umabot na sa higit ₱1 bilyong piso ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakaapektado ang rehiyon ng MIMAROPA na may ₱739 million pesos na pinsala sumunod ang Region 6 o Western Visayas na nasa ₱351 million at Region 9 o Zamboanga Peninsula.
Nasa 24,000 hectares ng mga pananim katulad ng palay at mais ang naapektuhan kung saan halos 25,000 na mga magsasaka ang apektado ang kabuhayan.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong indibidwal.
Facebook Comments