₱10 MILLION BUDGET, INILAAN PARA SA FLOOD MITIGATION PROJECTS SA BONUAN BOQUIG, DAGUPAN CITY

Sampung milyong piso; yan ang budget na inilaan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City para proposed road widening at konstruksyon ng drainage system sa bahagi ng Bonuan Boquig.
Ang naturang proposed project na ito ay dahil sa hinaing ng mga residente pati ng Barangay Council ng Bonuan Boquig na maisaayos ang kanilang mga daanan at drainage system na siya namang siniguro ng alkalde ng lungsod sa isinagawang konsultasyon.
Kaya naman sa pagsasakatuparan nito ay nagsagawa ang City Engineering office ng site inspection para sa proyekto.

Isa rin umano sa mga nakalinyang proyekto sa barangay ay ang government housing project na alinsunod sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Priority Program ng pangulo ng pilipinas pati na rin ang ilan pang proyekto tulad ng “One Bonuan” at imprastrakturang nakatakdang isagawa ng LGU Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments