Suportado ni Vice President Leni Robredo ang pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble hanggang April 11.
Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, sinabi ni Robredo na makakatulong ang ECQ na malimita ang galaw ng mga tao ay mabawasan ang tiyansa ng transmission.
Pero sinabi rin ni Robredo na ang ₱1,000 individual assistance para sa maaapektuhan ng extended lockdown ay hindi sapat.
Ang ₱1,000 aniya ay katumbas lamang ng ilang araw na pagtatrabaho kaya maliit na halaga ito.
Binigyang diin ni Robredo na ito ang problema kapag pinalawig ang ECQ.
Panawagan ng bise presidente sa pamahalaan na tiyaking mayroong patas na pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong pamilya.
Nakukulangan din ang bise presidente sa prevent, detect, isolation, treat at reintegration strategy (PDITR).