₱11.7 billion, kailangan para sa contact tracing ayon sa DOH iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangan ng ₱11.7 billion para mapondohan ang contact tracing efforts laban sa COVID-19.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, aabot sa 130,000 contact tracers ang kailangan lalo na kung ikokonsidera ang laki ng populasyon ng bansa.
Aniya, nasa 30,000 pesos kada buwan ang maaaring ibigay na sahod sa mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.
Idinagdag pa ng kalihim, ang mga contact tracers ay tatanggapin batay sa kanilang kakayahan bilang bahagi ng kanilang fieldwork duties.
Para kay Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, sinisilip nila ang isang proposal para sa wage subsidy program para sa mga contact tracers.