₱12 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo at vape manufacturing, nakumpiska sa Cavite; 4 na suspek naaresto

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) – Laguna Provincial Unit ang mga ilegal na sigarilyo at vape manufacturing materials sa isinagawang buy-bust operation sa Silang, Cavite.

Naaresto ang apat na indibidwal na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na sigarilyo at nag-ooperate ng hindi awtorisadong pasilidad na gumagawa ng mga vape product.

Narekober sa nasabing operasyon ang humigit-kumulang 200 na ebidensya, kabilang ang mga ilegal na sigarilyo, at mga kagamitan sa paggawa at pagbuo ng vape.

Nabigo ang mga suspek na magpakita ng License to Operate at iba pang dokumentong kinakailangan para sa naturang produksyon.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo at vape ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱12 milyon.

Sa ngayon, ang mga akusado ay nasa kustodiya ng CIDG at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Facebook Comments