
Isang 29-anyos na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos makuhanan ng humigit-kumulang dalawang gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation bandang alas-5:30 ng hapon sa Bayambang, Pangasinan.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Bayambang Municipal Police Station (MPS) katuwang ang 105th Mobile Company, RMFB1, at isinagawa sa koordinasyon ng PDEA Region 1.
Ang buy-bust operation ay isinagawa mula alas-4:45 ng hapon hanggang alas-5:30 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Kinilala ang suspek sa inisyal na 29 anyos na binatang magsasaka, at residente ng Bayambang, Pangasinan.
Siya ay inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱13,600.00.
Bukod dito, nasamsam din iba pang ebidensya.
Isinagawa ang on-site inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










