₱16-M halaga ng shabu at marijuana, nakumpiska ng PNP sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations

Umaabot sa ₱16 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawa nilang anti-illegal drug operations sa tatlong magkakahiwalay na lugar.

Pinakamalaking huli rito ay sa Tabuk City sa Kalinga kung saan naaresto ang isang Jerry Salang-oy Alunday sa isang checkpoint matapos nitong tangkaing ipuslit ang ₱15.6 milyong halaga ng marijuana sakay ng isang puting van.

Ang kontrabando ay naka-pack sa 126 bricks at apat na tubular packaging na may timbang na 130,000 grams.


Samantala, nakasabat naman ang mga awtoridad ng 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱88,000 sa Davao City at 100 gramo ng shabu o katumbas ng ₱680,000 naman ang nakumpiska sa drug buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan.

Ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments