Aabot sa ₱2.5 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng Luzon Philippine National Police (PNP) at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang magkahiwalay na clearing operation.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., unang isinagawa ang clearing operation sa isang marijuana plantation sa Sitio Nabuluan, Brgy. Lacnog, Tabuk City, Kalinga.
Pinagbubunot at sinunog ng mga pulis at PDEA agents ang 11,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱2.2 milyon at walang naarestong cultivator sa lugar ang mga awtoridad.
Samantala, sa Purok 1, Brgy. Talabaan, Aroroy, Masbate naman nahuli ang isang drug suspek na kinilalang si Saridon Jazul Tuazon a.k.a. “Popong”, 49 anyos matapos makuhaan ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000.
Sa ngayon ay nahaharap na itong sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.