₱20-B, kinakailangan ng pamahalaan sa ilalim ng binubuong Bayanihan 3

Pondong kinakailangan ng bansa para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at isyu ng red tape na nakakasagabal sa COVID-19 response.

Dito sumentro ang pagpupulong kagabi nina Senate President Vicente Sotto III, Senador Panfilo Lacson, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Testing Czar Vince Dizon at Contact Tracing Czar Mayor Benjamin Magalong.

Ayon kay Lacson, kabilang sa mga ibinahagi ng tatlong czar ang pangangailangan na isama sa 2022 budget ng Department of Health (DOH) ang ₱90-billion pesos na pondo para sa pagbili ng mga bakuna sa halip aniya na ilagay ito sa unprogrammed funds.


Aniya, kailangan nila ng ₱20-billion pesos sa ilalim ng binubuong Bayanihan 3 ngayong taon.

Bukod dito, natalakay rin aniya ang kinakailangang legislative action para masugpo ang red tape sa Food and Drug Administration (FDA) at ang commitment ng business sector na maglagay ng espasyo sa mga mall at hotel para sa 5,000 vaccination centers, kung saan 1,200 dito ang ilalagay sa National Capital Region (NCR).

Sa pamamagitan aniya nito ay makakamit ang pagbabakuna sa 58 milyong mga Pilipino sa katapusan ng taong ito.

Facebook Comments