Ginawaran ng pamahalaan ng ₱200,000 na cash reward ang mga natatanging kawani ng gobyerno, na nagpamalas ng dedikasyon sa kanilang trabaho.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paggawad ng Presidential Lingkod Bayan Award, Dangal Award, at CSC Pagasa Award sa mga awardees sa Palasyo ng Malacañang.
Ilan din sa mga insentibo na matatanggap ng mga pinarangalan ay ang automatic promotion para sa susunod na mas mataas na posisyon, o salary increase.
Bukod pa dito ang gold medal, Presidential Plaque with citation, scholarship grant para sa awardee o isang qualified beneficiary nito, at free one-time executive check-up.
Nakatanggap din ng P100,000 para sa bawat miyembro ng group award category.
Ayon kay Pangulong Marcos, magsilbi sanang inspirasyon ang mga ito sa iba pang public servant na ipagpatuloy ang kanilang mabuting trabaho, at pagsusulong ng inobasyon tungo sa Bagong Pilipinas.