
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makumpleto ang malawakang flood control project sa Cavite pagsapit ng 2029.
Ayon kay DPWH Senior Undersecretary Emil Sadain, tuloy-tuloy ang Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project katuwang ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na nagkakahalaga ng ₱22 billion.
Kabilang sa proyekto ang pagpapagawa ng San Juan Diversion Channel na may habang 2.6 kilometro at lawak na katumbas ng 20 lanes ng national road.
Layunin nitong ilihis ang tubig-baha mula sa San Juan River at mga nakakonekta rito para hindi umapaw sa mga kabahayan at pabrika sa Cavite.
Sabi ng DPWH, bahagi ito ng mas malawak na plano para gawing mas ligtas at disaster-resilient ang lalawigan.
Facebook Comments









