₱23-B, inilaan ng gobyerno para sa pagpapaganda ng mga health facility at serbisyo sa buong bansa

Naglaan ang pamahalaan ng ₱23 bilyon sa ilalim ng proposed 2023 national budget para sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga health care facility at serbisyo sa buong bansa.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang paglalaan ng pondo sa Health Facilities Enhancement Program ay batay na rin sa commitment ng Marcos administration na magbigay ng quality at affordable health care sa lahat ng Pilipino.

Sinabi ni Pangandaman na partikular na ilalaan ang ₱23 bilyon sa pagbili ng medical equipment.


Maging ang construction, rehabilitation at pag-upgrade ng iba’t ibang health facilities sa buong bansa katulad ng barangay health stations, rural health unit, polyclinics, Local Government Unit hospitals, Department of Health (DOH) hospitals at iba pang health facilities.

Giit ni Pangandaman, kailangang handa ang gobyerno sa hindi inaasahang sitwasyon at health emergencies.

Katulad aniya sa nararanasang COVID-19 pandemic, nakita ang pangangailangan na mas palakasin ang healthcare system sa bansa kaya dapat iprayoridad sa paglaanan ng pondo.

Facebook Comments