Manila, Philippines – Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang pagbibigay ng Government Service and Insurance System (GSIS) sa halos lahat ng empleyado nito ng nasa 260 million pesos na insentibo.
Katumbas nito ang tig-100,000 piso kada empleyado.
Ayon sa 2018 report ng COA, ang pera ay inilabas na walang rekomendasyon mula sa Department of Budget and Management (DBM) at approval mula sa Office of the President.
Paglabag ito sa Presidential Decree no. 1597, Republic Act no. 6758, at isang joint resolution.
Giit pa ng COA, maituturing itong ‘illegal expenditure’ para sa GSIS.
Facebook Comments