₱3.2 M KITA NG SLAUGHTERHOUSE SA BURGOS, NAITALA NGAYONG 2025

Nakapagtala ng mahigit ₱3.2 milyon na nakolektang kita ang Market and Slaughterhouse Office sa Burgos mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Bahagi ng target ngayong taon ang nasabing halaga na patunay sa striktong pagtutok sa maayos na kalakalan sa bayan.

Samantala, nakaproseso naman ang Business Permit and Licensing Office ng mahigit 600 business permits, kabilang ang mga bagong aplikasyon at renewal, bilang bahagi ng pagpapanatili ng organisado at patas na pangnenegosyo.

Bilang bahagi ng pagpapahusay ng pasilidad, nadagdagan ang mga puwesto sa pampublikong pamilihan at napahusay ang operasyon ng slaughterhouse sa pamamagitan ng bagong kagamitan, na layong gawing mas episyente ang serbisyo sa publiko.

Sa kabuuan, pinagtitibay ng mga ulat ang mahalagang papel ng mga tanggapan sa pagpapatatag ng lokal na ekonomiya, pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan, at pagpapatupad ng wastong regulasyon sa Burgos.

Facebook Comments