₱30 to ₱60 na umento sa minimum wage ng mga manggagawa sa CALABARZON, nakatakdang ipatupad

Inihayag ni House Committee on Labor and Employment Chairperson at Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla ang pagpapatupad ng bagong wage order para sa mga manggagawa sa CALABARZON na magbibigay ng ₱30 hanggang ₱60 na pagtaas sa kanilang minimum wage.

Ayon kay Revilla, ang minimum wage earners sa Cavite City, Carmona, General Trias, Tagaytay, Trece Martires at iba pang component cities ay makakatanggap na ng ₱600 na sweldo kada araw.

Binanggit ni Revilla na ₱550 per day naman ang magiging sweldo ng mga manggagawa sa Rosario, Kawit, Naic, Silang, at Tanza habang ₱525 naman kada araw ang para sa mga nasa second-class hanggang fifth-class municipalities.

Sabi ni Revilla, ipatutupad ang increase sa dalawang bugso kung saan ang una ay simula October 5, 2025 at ang pangalawa ay sa April 1, 2026.

Para kay Revilla, hindi pa sapat ang nabanggit na minimum wage increase sa CALABARZON pero tiyak naman na malaking tulong ito para sa mga manggagawa.

Facebook Comments