Aprubado na rin ang dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Region 10.
Sa Wage Order No. RX-22, ₱33 ang itataas sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Northern Mindanao na ibibigay sa loob ng dalawang tranche.
Epektibo ang ₱23 na umento ngayong Disyembre habang sa July 1, 2024 ang karagdagang ₱10.
Magiging ₱423 hanggang ₱438 na ang minimum na sahod para sa non-agriculture sector habang ₱411 hanggang ₱426 sa agri sector.
Samantala, inaprubahan din ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱500 na dagdag-sahod para sa mga domestic worker sa chartered cities at first-class municipalities habang ₱1,500 sa iba pang mga bayan.
Dahil dito, ₱5,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa buong rehiyon.
Facebook Comments