₱408,000 HALAGA NG SHABU, NABAWI SA OPERASYON SA SAN CARLOS CITY

Nadakip ang isang 27-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Regional Priority Targets matapos ang isang buy-bust operation sa Barangay Naguilayan, San Carlos City, madaling araw ng Enero 8, 2026.

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱408,000, kasama ang ilang drug paraphernalia, buy-bust money, cellphone, at isang motorsiklong walang plaka.

Ang operasyon ay isinagawa ng Provincial Drug Enforcement Unit katuwang ang iba pang yunit ng pulisya, sa koordinasyon ng PDEA-RO1.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa Police Regional Office 1, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments