Naghain na rin ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng wage hike petition sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Davao City.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, ₱418 na dagdag-sahod kada araw ang inihirit nila para sa mga manggagawa sa Region 11.
Punto niya, nalagpasan na ng standard na kinakailangang halaga para makapamuhay ng disente ang isang pamilyang Pilipino ang kasalukuyang minimum wage sa bansa.
Nabatid na nasa ₱396 kada araw ang kasalukuyang minimum wage sa Davao Region.
Una nang naghain ang grupo ng ₱470 na wage hike petition para sa mga manggagawa sa Metro Manila at ₱430 sa Central Visayas.
Inihahanda na rin nila ang kanilang petisyon sa Cagayan de Oro at iba pang bahagi ng Region 6.
Facebook Comments