₱47K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA KARGADOR AT TINDERA SA URDANETA CITY

Nasamsam ang tinatayang ₱47,464 halaga ng shabu mula sa isang kargador at tindera sa Urdaneta City, Pangasinan, sa isinagawang buy-bust operation ng Urdaneta City Police Station sa pakikipagtulungan sa PDEA RO1 nitong Pebrero 16.

Ayon sa ulat, narekober mula sa mga suspek na parehong residente ng lungsod ang 6.98 gramo ng pinaghihinalaang shabu.

Kasama rin sa mga nakumpiska ang iba pang kaukulang kagamitan na ginamit sa kalakalan ng droga.

Ang mga suspek ay inaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang isinailalim naman sa kaukulang proseso ang mga nakuhang ebidensya.

Facebook Comments