₱5.268 trillion 2023 budget, target na maisabatas bago mag Pasko

Target ng Senado na malagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang ₱5.268 trillion 2023 national budget bago mag Pasko.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, tatapusin nila ngayong buwan ng Oktubre ang mga committee hearings para sa pondo ng bawat ahensya at mga attached agencies.

Pagsapit ng unang linggo ng Nobyembre ay target na maisumite na sa plenaryo ang committee report ng budget para maikasa na ang debate sa plenaryo.


Sa tantya ni Angara, dalawa hanggang tatlong linggo ang itatagal ng deliberasyon at pagpapatibay ng 2023 General Appropriations Bill (GAB).

Inaasahang sa December 15 ay mapipirmahan na ni Pangulong Marcos ang 2023 budget upang agad na itong magamit sa susunod na taon.

Facebook Comments