₱5.8-MILYONG PONDO, INILAAN SA PRODUKSYON NG KAMBING SA STA.BARBARA

Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara ang ₱5.8-milyong pondo mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office 1 para sa Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Goat Multiplier Farm Project.

Ayon sa lokal na pamahalaan, gagamitin ang nasabing pondo sa pagpapalawig ng programa para sa susunod na taon, kung saan may inilaan ding ₱500,000 ang lokal na pamahalaan.

Layunin ng proyekto na mapalakas ang lokal na produksyon ng kambing, mapabuti ang kalidad ng mga breeding stock at makapagbukas ng bagong pangkabuhayan para sa mga magsasaka.

Dagdag dito, malaking tulong ito para sa mga miyembrong interesado sa pag-aalaga ng kambing at iba pang gawaing may kinalaman sa livestock.

Kasama sa proyektong ito ang pagtatayo ng goat housing facilities, pagbibigay ng breeder goats, veterinary supplies, farm equipment, at starter feeds.

Samantala, nakatakda nang ideposito ng munisipyo ang tsekeng natanggap mula sa DA upang maipatupad na ang proyekto.

Facebook Comments