Umabot na sa ₱50.45 billion ang naipamahaging tulong sa mga biktima nang paghambalos ng Bagyong Rolly.
Ito’y mula sa pinagsamang ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga lokal na pamahalaan at mga Non-Government Organizations (NGO).
Kabilang sa mga naipamahagi ay mga food at non-food items.
Mayroong 410,690 na pamilya ang kinakailangang mahatiran ng relief assistance.
Ito’y sa National Capital Region, Region 2 at 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 8 at Cordillera Administrative Region.
May ₱844 million pa na nakahandang pondo ang DSWD sa sandaling kailanganin ng mga concerned Local Government Units (LGUs).
Facebook Comments