Nakapaloob sa proposed national budget para sa susunod na taon ang ₱5,000 allowance para sa bawat isang classroom teacher.
Ayon Kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, huhugutin ito sa panukalang ₱4.83 billion na pondo para sa ₱5,000 allowance ng mga pampublikong guro.
Kada school year ang nasabing allowance na ayon kay Pangandaman ay makakatulong kahit paano sa mga teachers upang matugunan ang kanilang gastusin sa ginagawa nilang pagtuturo.
Halimbawa na rito ang expenses sa teaching supplies, internet subscription at iba pang communication expenses.
Ang ganitong mga hakbang ayon kay Pangandaman ay batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibigay ang kailangang suporta para sa mga public school teachers.
Committed aniya ang ahensiya hindi lamang para suportahan ang mga guro sa halip handa din aniya nilang pakinggan ang mga ito para at mapagyaman ang kanilang propesyon.